Friday, May 15, 2009

Arriane Shay


What do I remember about this girl? Hmmm...
Iniisip ko pa lang natatawa na ako.:D

I can't remember when kami naging magclassmate, grade 5 ata eh. Kaya ko din sya naisipan na gawing next victim ko, kasi nasa harapan sya ng desk ko noon... palipat-lipat kasi e. Nakatabi nya din si Emer nung naglipatan (gulo ni Sir Benueza ei).
Anyway, naging kasundo ko to that time. Pano, pareho kaming weird. May isa pa kaming nakasundo... na weird din. Si Isagani Cura. (Kinakabahan na si Shay habang binabasa to.)

Madaldal toh... grabe. Kung ano iniisip niya, sasabihin niya. Si Arriane Shay Caguiat ay isang DAKILANG SIGA. Pag nagkkwento yan, super far away ang kanyang mga mata... na tila ba may tinatanaw sa kalangitan.

Masarap tong kaibigan... kahit dati. Mag-iingat ka nga lang. Kasi pag nakatagilid ka, at natuwa sya sayo, yung tapik niya sa likod mo, e tatalsik ka sa kabilang classroom.

Madalasa din sya may kaaway na babae... at madalas, si Jasselle Patriarca yun. Matatawa ka talaga pag away mode na nila. Di kasi uubra kay Shay... nananapak kasi to eh.

MALUPIT NA SIKRETO NI ARRIANE SHAY...

Magkakasama kami sa bukid. Ako, si Shay, si Isagani, at si Harold Abudanza.
Dito, nalaman ko ang mabibigat na pangarap sa buhay nila. May dala akong recorder noon. Nirerecord namin ang aming mga plano sa buhay. Napansin ko, si Shay maraming hinanakit.

Habang kami ay naglalakad at nadaanan namin yung lubluban ng kalabaw, bigla nagsalita si Shay...

"It's so unfair! Bakit mga lalaki lang ang pwede magswimming jan sa pool ng kalabaw? Dapat tayo din! Di ako sang-ayon sa diskriminasyon na ganto. May karapatan din naman tayo magsaya diba? Ano, porke lalaki sila e tayo etsapwera na?"

We solemnly agreed to her statement. Lahat kasi kami, mataas ang pagtingin namin sa kanya. May paninindigan sya at matapang sya. Balak nga namin iboto sya bilang presidente pagdating ng araw e.

Naupo kami sa damuhan. Kumakanta si Harold ng Picha Pie, habang si Shay ay mataimtim na nagbubunot ng damo. Nagsalita si Isagani...
"Paglaki ko, mag-iimbento ako ng isang malaking refrigirator na kasya ang elepante!"

Sumagot si Shay...

"Paglaki ko, mag-iimbento ako ng elepante na kasya ang refrigirator!"

Namangha nalang ako sa kanilang mga pangarap... sa isip ko...
paglaki ko... bibili ako ng ref.
o_o

Tumayo kami at naglakad-lakad pa. Kulang pa daw kasi yung damo na naharvest niya. May hinahanap daw kasi sya na espesyal na uri ng damo. Kaya ayun, tuloy kami sa aming paglalakbay.

Sa di kalayuan, tumigil si Shay at pumutol ng damo. pinira-piraso niya ito at nilagay sa kanyang maliit na lalagyan. Sabi niya sakin,
"alam mo ba kung ano to?"
umiling ako...
"Ito ang invisibol ink!"
binuksan niya ang bolpen nya at tinanggal ung bakal sa dulo. sinalin niya ung ink na blue sa dinikdik na damo at konting tubig. Tska niya inalog. Sabi niya samin, paglaki niya daw, tatapusin niya ang formula non.

Kaya siguro sya nag Psychology ngayon.




Nagkahiwa-hiwalay kami ng landas for a while. High School na nang muli kami pinagsama ng tadhana.

2nd Yr High.

Pag nagkikita kami noon, lagi kami nagtitilian. Pano, idol na idol namin si Britney Spears. Kawawa sa kanya si Reginald, pano lagi pinipintasan si Britney, si Christina kasi ang gusto nun. Ayan, laging darag si kawawang Regi. Pag nasimulan mo yan, ratrat aabutin ng idol mo pag dinarag na ni Shay. At wag na wag mo rin makakanti si Avril. Kundi, lagot ka. Ang aga-aga, pagpasok nian sa room...

"WAYDUYUHAVTUGOENMEYKTINGSSO
COMPLIKEYTED?!!!..."


Mapa-porma, mapa-kanta... kala mo sinapian na ni Avril.

Makakasama ko pa yan, kasama c Jojo, dun sa Cypress, naglalaro kami ng trivia.
Grabe dati, isang oras ng internet 50pesos. Di kalaunan, si Jojo na lang kasama ko naglalaro. May sched na kasi si Shay noon ng pag sskateboard. Si Jojo naman, buong tapang naming pinapasok ang isang kastilyo ng trivia hanggang sa matalo namin ang mga nagbabantay. Maganda yung quiz. Yun nga lang wla ako matandaan sa mga tanong.


Arriane Shay is a girl that would surpass anyone's expectations about her. She can be anything but ordinary. The way I know this girl, she is fun-loving, true to herself, true to her friends, and also true to her enemies... which is a very admirable character. Pag ayaw niya sayo o sa ginawa mo, makinig ka. Pero napakareasonable nitong tao. Siga sya in a way pero not in the sense na nang-aapak ng kapwa. Aside from her being siga and boyish attitude, she has this very womanly quality that a very few acquaintance of her knew. Masipag yan. Pag darating ako sa bahay nila, lagi yan haggardacious. May dala walis, o sandok, o basahan... lagi busy. Pero lagi sya nkasmile. Aasikasuhin ka niya. Kahit may kadaldalan to, pag nagsalita ka, makikinig sya. At kahit ano irelate mo sa kanya, iintindihin niya talaga. Nakakarefresh sya kausap. Ver flexible and down to earth.

Nung graduation nga pla, sa kanila ako nakikain. Sarap nung maha touched

If ever I'd be given a chance, gusto ko ulit maka-close si Arriane Shay. It has been YEARS since we last had a bonding moment. Pero kahit ganon, if ever may pinagbago tong taong to, I know the changes only made her a better person. She's an interesting friend in every aspect. At kahit sabihing marami na nagbago, I know that when it comes to this girl named Arriane Shay Caguiat,
it will be a huge fun getting to know her again.



Arriane Shay's Friendster: http://profiles.friendster.com/29848692

Friday, April 3, 2009

Rica Arriane

The girl with a super lupit handwriting. I never got tired looking at her signature "RAMAborque".
'Pag sinabi na ng teacher namin na "exchange papers with your seatmate", 'yan na... automatic corrected by: RAMAborque na 'yan.

We had been classmates our elementary and secondary years (most of it). And kadalasan sa school years na 'yon, seatmate ko s'ya (sa ayaw n'ya o sa gusto... alphabetical kadalasan e.lols.)
Nung elementary, madalas n'yang ballpen e yung Lotus. 'Di ako mayaman, pero di nauubusan tinta ballpen ko... 'di s'ya mahirap, pero pag titignan ko balpen n'ya lagi paubos na ink. Lately ko lang narealize... tamad nga pala kasi ako magsulat.

Unlike other girls nung elementary kami, kung saan yung iba e trying hard to grow up at magdalaga, etong si Rica sakto lang. Ever since bata pa kami she was never the kind to try and be someone else. I have always admired her for being so cool and confident in her own way.

Pero syempre, as kids, naglaro at nagharutan din naman.
I remember in grade 5, naglaro sila habulan sa room... e row by row pa yun, kasi grade 5 eh. so sa isle sila nagtatakbuhan. Iiiiiiiiiiiiiikot ng ikot... e mga bata... JUMBO mga bag! (bag nga ni Rica nun e yung may stroller pa eh! nyuk nyuk nyuk!) nagkalat ang mga jumbo-hala na bags at lunchbox. Ayun. Nadapa. Sa tapat ko pa ha... (at least naka ilang laps sya sa race track ng mga row seats before sya nadapa.)

Nakasubsob pa s'ya. Natahimik ang lahat. Gumalaw si Rica. Dahan-dahan...
Pagtaas ng mukha n'ya, nakita ko, naka-smile pa s'ya! akala ko di nasaktan... later on napansin ko, kaya pala pagtingala n'ya e nakasmile s'ya, e kasi pala nka-smile s'ya bumagsak. Tapos sabi n'ya...

"...aray... ang shakit!..."

Nagcrack na pla yung maliit na portion ng ngipin n'ya. Ayun. Memorable.

Anyway, that was in grade 5. Buti na lang may milk teeth tayo.
Ngayon, pang koreanovela na ang beauty ng lola mo!
She also takes me seriously whenever I ask her a question out of nowhere. Minsan kasi, bigla ako napapaisip ng word, e 'di ako sure sa spelling... so I ask her. Effort naman s'ya mag-isip. Hehehe. Sweet. :)

Si Rica masarap patawanin. Kasi makikita mo talaga na namumula s'ya sa hirap tumigil. Minsan nga nagtatawanan kami, bigla ako natigilan sa pagtawa! I seriously thought there was something wrong! Akala ko naipitan na ng ugat o whatever e, pano ba naman, namula ng sobra tapos naluha! Tapos, nakanganga pero walang sounds na lumalabas... yiiiiiiii, natakot ako, akalaa ko inatake na or something. Ayun pala tumatawa. Amfs.

Madali din 'to pakiligin. Grabe, there was this time nung high school when suuuuuper taas ng fever nito! Ang pula ng face tpos she keeps making these "eeeeee" sounds! Grabe fever n'ya...
some of you may have been infected din by that fever...
F4 Fever.

Hanggang ngayon naman 'ata mahilig parin 'to sa mga ganung love stories, pa'no kahit dati 'pag sisilip ako sa profile n'ya madalas yung sikat na koreanovela ang background profile n'ya.

Now a Lady

Dalaga na. Nagkita kami recently sa graduation party ni Arbie, ayun, dalaga na, hehehe. Pero kikay parin. When I saw her, I then took the opportunity para mag apologize... kay tagal akong nabigatan sa guilt ko. I approached her then I just let it all out!

"Rica... sorry 'di ko nasoli yung ballpen mo na hiniram ko nung high school..."

Nailabas ko din. And I was so glad that she forgave me effortlessly. Such a decent woman.



I made her my 1st featured friend coz of a reason even she doesn't know...
there was this one point in my life when I felt so down. I accidentally browsed in her profile, scrolled down and got to take a glimpse of its content. Enumerated on a portion of her FS were inspirational lines that made me think for a while... karamihan dun swak e. Hehehe. So ayun... napapadaan na ako minsan sa page n'ya to look at it every once in a while.

Reserved na tao si Rica (the way I know her). Never ko nakita na super papansin, o nagyabang, o kahit anong extremely bad na attitude. She may have her faults pero na-bypass na sa mata ko 'yon kaya siguro 'di na tumatak sa utak ko.

The Rica I know is a sweet girl that's very down to earth, fun-loving, friendly, smiling face, smart, witty and energetic. That's just around the surface, mind you. Read her blogs and you'd see a much deeper side of Rica Arriane. We were not friends na nasa stage na nagkasabihan ng problema, so now you'd see that the rough estimation of Rica was over-all admirable already. What more if you take time to take a peek inside, right?

For those who would like to try to know her more, I'm telling you upfront... she's worth your time. Guys, it's true that there's a lot of fish in the sea... pero kahit na marami, not all of them shines with this kind of inner AND outer beauty.




Ay, oo nga pala, muntik ko na makalimutan...

Nung high school, Pilot na po ballpen n'ya. There. (That's the finishing touch.)


Rica Arriane's Friendster: http://profiles.friendster.com/pinkspice

Who Do I Pick?

I want to feature someone that catches my attention sa araw na 'yon... or sa oras na 'yon. Whatever. lol. As long as napaisip ako, kung ano na lang maisipan, hehehe. O kaya, poems... o kaartehan! WHATEVER I feel like posting (it's my blog anyway.lols)

If ever I feature a person here, then ayaw naman n'ya, just send me a message, okay?:)

I want to feature some friends (or acquaintances) just because... I want to write something! Pasado na ba na reason 'yon? hehehe. Mga mauuna dito, mga friends ko... pero sa mga friends ko na di ko mafefeature, 'di naman po 'to according to ranks sa puso ko *wink*, yung iba kasi wala naman Friendster or Myspace... e lamang ang mga may accounts coz they are bound to catch my attention talaga kasi syempre mag-bbrowse ako diba? :p

I'll start with my favorite Friendster Profile... (next na 'yun. Stand by.)
Sa mga mafe-feature, I'll let you know... pero siguro pag tinopak ako, I'd also feature someone who doesn't have an account... malay natin maalala ko sya out of nowhere diba? So basta ganun...

Isa pa pala, don't ask me to edit your pictures. I'm gonna do it here for each of my featured friend for free... pero sa featured lang. Sila lang makakalibre (hirap kaya nun). If you want your pics to be edited, pay me. lol. I mean, seriously, it's my side-line. Negotiable naman ang amount, so if you want, contact me na lang. :)

If you want to suggest someone to be featured, then go ahead... (suggest naman e hehehe)
If you want me to post in my blog your own writings, sige din... (story,poems,chismax, panliligaw, etc.,)

Bastaaaaaaaaaa... feel free to contact me! via Friendster, or here sa comment box dito!
Peace!