Friday, May 15, 2009
Arriane Shay
What do I remember about this girl? Hmmm...
Iniisip ko pa lang natatawa na ako.
I can't remember when kami naging magclassmate, grade 5 ata eh. Kaya ko din sya naisipan na gawing next victim ko, kasi nasa harapan sya ng desk ko noon... palipat-lipat kasi e. Nakatabi nya din si Emer nung naglipatan (gulo ni Sir Benueza ei).
Anyway, naging kasundo ko to that time. Pano, pareho kaming weird. May isa pa kaming nakasundo... na weird din. Si Isagani Cura. (Kinakabahan na si Shay habang binabasa to.)
Madaldal toh... grabe. Kung ano iniisip niya, sasabihin niya. Si Arriane Shay Caguiat ay isang DAKILANG SIGA. Pag nagkkwento yan, super far away ang kanyang mga mata... na tila ba may tinatanaw sa kalangitan.
Masarap tong kaibigan... kahit dati. Mag-iingat ka nga lang. Kasi pag nakatagilid ka, at natuwa sya sayo, yung tapik niya sa likod mo, e tatalsik ka sa kabilang classroom.
Madalasa din sya may kaaway na babae... at madalas, si Jasselle Patriarca yun. Matatawa ka talaga pag away mode na nila. Di kasi uubra kay Shay... nananapak kasi to eh.
MALUPIT NA SIKRETO NI ARRIANE SHAY...
Magkakasama kami sa bukid. Ako, si Shay, si Isagani, at si Harold Abudanza.
Dito, nalaman ko ang mabibigat na pangarap sa buhay nila. May dala akong recorder noon. Nirerecord namin ang aming mga plano sa buhay. Napansin ko, si Shay maraming hinanakit.
Habang kami ay naglalakad at nadaanan namin yung lubluban ng kalabaw, bigla nagsalita si Shay...
"It's so unfair! Bakit mga lalaki lang ang pwede magswimming jan sa pool ng kalabaw? Dapat tayo din! Di ako sang-ayon sa diskriminasyon na ganto. May karapatan din naman tayo magsaya diba? Ano, porke lalaki sila e tayo etsapwera na?"
We solemnly agreed to her statement. Lahat kasi kami, mataas ang pagtingin namin sa kanya. May paninindigan sya at matapang sya. Balak nga namin iboto sya bilang presidente pagdating ng araw e.
Naupo kami sa damuhan. Kumakanta si Harold ng Picha Pie, habang si Shay ay mataimtim na nagbubunot ng damo. Nagsalita si Isagani...
"Paglaki ko, mag-iimbento ako ng isang malaking refrigirator na kasya ang elepante!"
Sumagot si Shay...
"Paglaki ko, mag-iimbento ako ng elepante na kasya ang refrigirator!"
Namangha nalang ako sa kanilang mga pangarap... sa isip ko...
paglaki ko... bibili ako ng ref.
Tumayo kami at naglakad-lakad pa. Kulang pa daw kasi yung damo na naharvest niya. May hinahanap daw kasi sya na espesyal na uri ng damo. Kaya ayun, tuloy kami sa aming paglalakbay.
Sa di kalayuan, tumigil si Shay at pumutol ng damo. pinira-piraso niya ito at nilagay sa kanyang maliit na lalagyan. Sabi niya sakin,
"alam mo ba kung ano to?"
umiling ako...
"Ito ang invisibol ink!"
binuksan niya ang bolpen nya at tinanggal ung bakal sa dulo. sinalin niya ung ink na blue sa dinikdik na damo at konting tubig. Tska niya inalog. Sabi niya samin, paglaki niya daw, tatapusin niya ang formula non.
Kaya siguro sya nag Psychology ngayon.
Nagkahiwa-hiwalay kami ng landas for a while. High School na nang muli kami pinagsama ng tadhana.
2nd Yr High.
Pag nagkikita kami noon, lagi kami nagtitilian. Pano, idol na idol namin si Britney Spears. Kawawa sa kanya si Reginald, pano lagi pinipintasan si Britney, si Christina kasi ang gusto nun. Ayan, laging darag si kawawang Regi. Pag nasimulan mo yan, ratrat aabutin ng idol mo pag dinarag na ni Shay. At wag na wag mo rin makakanti si Avril. Kundi, lagot ka. Ang aga-aga, pagpasok nian sa room...
"WAYDUYUHAVTUGOENMEYKTINGSSO
COMPLIKEYTED?!!!..."
Mapa-porma, mapa-kanta... kala mo sinapian na ni Avril.
Makakasama ko pa yan, kasama c Jojo, dun sa Cypress, naglalaro kami ng trivia.
Grabe dati, isang oras ng internet 50pesos. Di kalaunan, si Jojo na lang kasama ko naglalaro. May sched na kasi si Shay noon ng pag sskateboard. Si Jojo naman, buong tapang naming pinapasok ang isang kastilyo ng trivia hanggang sa matalo namin ang mga nagbabantay. Maganda yung quiz. Yun nga lang wla ako matandaan sa mga tanong.
Arriane Shay is a girl that would surpass anyone's expectations about her. She can be anything but ordinary. The way I know this girl, she is fun-loving, true to herself, true to her friends, and also true to her enemies... which is a very admirable character. Pag ayaw niya sayo o sa ginawa mo, makinig ka. Pero napakareasonable nitong tao. Siga sya in a way pero not in the sense na nang-aapak ng kapwa. Aside from her being siga and boyish attitude, she has this very womanly quality that a very few acquaintance of her knew. Masipag yan. Pag darating ako sa bahay nila, lagi yan haggardacious. May dala walis, o sandok, o basahan... lagi busy. Pero lagi sya nkasmile. Aasikasuhin ka niya. Kahit may kadaldalan to, pag nagsalita ka, makikinig sya. At kahit ano irelate mo sa kanya, iintindihin niya talaga. Nakakarefresh sya kausap. Ver flexible and down to earth.
Nung graduation nga pla, sa kanila ako nakikain. Sarap nung maha
If ever I'd be given a chance, gusto ko ulit maka-close si Arriane Shay. It has been YEARS since we last had a bonding moment. Pero kahit ganon, if ever may pinagbago tong taong to, I know the changes only made her a better person. She's an interesting friend in every aspect. At kahit sabihing marami na nagbago, I know that when it comes to this girl named Arriane Shay Caguiat,
it will be a huge fun getting to know her again.
Arriane Shay's Friendster: http://profiles.friendster.com/29848692
Subscribe to:
Posts (Atom)